COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa 5-11 yrs old, aprubado na ; efficacy rate 90% – FDA

by Radyo La Verdad | December 24, 2021 (Friday) | 10377

METRO MANILA – Bago pa matapos ang taong 2021, nagdesisyon na ang Food ang Drug Administration (FDA) na aprubahan ang paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga batang Pilipino.

Ang Pfizer vaccines para sa naturang age bracket ay ginagamit na sa pagbabakuna sa Estados Unidos, Canada at sa Europa

“Itong end of November, nag apply sa atin ng Emergency Use Authorization for use of Pfizer [for] 5 to 11 years old. Our experts have found that data submitted is sufficient for the equal approval.” ani FDA Director General Usec. Eric Domingo.

Malurit ang pagbusisi ng FDA at vaccine expert panel sa bakunang nakalaan para sa mas batang populasyon

Ayon kay FDA Director general eric domingo, mataas ang lumabas na efficacy rate ng pfizer batay sa mga isnigawang clinical trials

Ipinaliwanag din ng FDA na iba ang COVID-19 vaccines na ibinibigay sa mga bata kumpara sa ginagamit sa mga matatanda kaya kailangang bumili ang pamahalaan ng supply nito

Target masimulan sa bansa ang rollout nito pagpasok ng taong 2022

“Hindi po siya kapareho nung dosage na binibigay sa adult. Ito po ay mas mababang dosage at hindi lang iyon, yung concentration ng vaccine ay mas mababa din po kesa doon sa ginagamit sa adults ngayon.” ani FDA Director General Usec. Eric Domingo.

Ayon naman kay Dr. Nina Gloriani, Chairperson ng Vaccine Experts Panel- Technical Working Group for COVID-19 vaccine, isinumite nila ang rekomendasyon sa FDA na ibigay ang Pfizer COVID-19 vaccines sa lahat ng 5-11 y/o sa bansa.

Ayon pa sa VEP, lumalabas na mas mataas ang efficacy rate ng Pfizer COVID-19 vaccines sa 5 to 11 yrs old kumpara sa  17 to 24 yrs old.

Samantala, aprubado na rin sa Pilipinas ang EUA ng oral antiviral pill na Molnupiravir.

Batay sa datos ng naunang clincal trial results nito, makapipigil ang COVID treatment pill na lumala ang sitwasyon ng isang taong may mild o moderate COVID-19 symptoms.

Ayon sa mga medical expert at clinical investigators sa bansa, makakatulong na makapuksa ang Molnupiravir laban sa COVID-19 variants of concern gaya ng heavily mutated Omicron.

Ayon sa FDA, maglalabas ng guidelines ang DOH sa paggamit at distribusyon ng Molnupiravir batay na rin sa administrative order ng mga gamot na mayroon pa lang EUA sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,