Mga supporters ni Mayor Binay, nagtipon-tipon sa Makati City Hall

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 679
Photo credit: Joyce Balancio, UNTV News Correspondent

Photo credit: Joyce Balancio, UNTV News Correspondent

Kasalukuyang nagsasagawa ng programa ang mga suporter ni Makati City Mayor Junjun Binay sa labas ng Makati City Hall bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang alkalde na nahaharap ngayon sa suspensyon ng Office of the Ombudsman dahil sa umanoy maanomalyang konstruksyon ng Makati City Parking Building.

Daan daang tagasuporta ni Mayor Binay ay dumalo sa programa na pinapumunuan ng mga city councilor, mga kapitan at mga barangay tanod.

Ayon sa ilang taga roon, nag-overnight na ang ilang mga taga suporta ng Makati sa baba ng city hall upang ipaabot ang kanilang patuloy na suporta sa kanilang aklade.

Inaasahang buong araw gaganapin ang programa sa Makati City.


Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0