₱ 0.80 rollback sa gasolina, ₱ 0.65 sa diesel, ₱ 0.20 sa kerosene

by Jeck Deocampo | October 15, 2018 (Monday) | 14926

MANILA, Philippines – Matapos ang siyam na linggong sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback naman ang ilang kumpanya ng langis.

Unang nagtapyas ang Phoenix Petroleum at Unioil ng ₱0.80 sa presyo kada litro ng gasolina noong Sabado. ₱ 0.60 naman sa diesel ngunit walang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Nagpatupad naman ang Petro Gazz ng kaparehong price rollback noong linggo ng umaga.

Epektibo naman ngayong alas-6:00 ng umaga ang bawas-presyo na ₱ 0.80 per liter sa gasolina ng Shell, Petron, Caltex, Eastern Petroleum at Flying V.  ₱ 0.65 sa diesel at ₱ 0.20 sa kerosene.

Ayon sa oil industry players, bahagyang bumaba ang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Tags: , , , ,

Panibagong rollback sa presyo ng langis, posibleng ipatupad sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | May 10, 2024 (Friday) | 13824

METRO MANILA – Panibagong rollback sa presyo ng langis ang posibleng aasahan sa susunod na Linggo.

Sa inisyal na pagtaya ng ilang oil industry players, maaaring bumaba ng nasa P0.80 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa P1.90 hanggang mahigit P2 naman ang posibleng maging rollback sa gasolina.

Samantala P0.85 hanggang P1.25 naman na bawas ang inaasahan sa kerosene.

Sa Lunes (May 13) iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad naman sa araw ng Martes, May 14.

Tags: ,

Rollback sa oil prices, inaasahang ipatutupad sa Jan. 2

by Radyo La Verdad | January 1, 2024 (Monday) | 15675

METRO MANILA – Posibleng may ipatupad na panibagong bawas o rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, January 2.

Sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaaring bumaba ng P0.30 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng Diesel.

Habang posible namang walang galaw o mabawasan ng P0.25 ang kada litro ang presyo ng gasolina.

Sa Kerosene naman ay inaasahan na magkakaroon ng rollback na umaabot ng P1.10 hanggang P1.30 sa kada litro nito.

Ngayong araw (January 1), posibleng ianunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad bukas.

Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagkapawi ng shipping disruptions sa red sea.

Tags: , ,

Bigtime rollback sa LPG, epektibo na

by Radyo La Verdad | June 2, 2023 (Friday) | 17203

Epektibo na nitong June 1 ang bigtime rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Sa abiso ng Petron, P6.20 ang bawas presyo sa kada kilo ng LPG. Katumbas ito ng P68.20 kada isang 11-kilogram na tangke.

P6.10 naman ang bawas presyo sa kada kilo ng LPG ng Phoenix. Katumbas ito ng P67.10 kada tangke.

Ang Caltex, may P6.18 naman na bawas presyo sa kanilang solane, na katumbas ng P67.98 kada tangke.

Mayroon ding P3.47 kada litro na rollback sa auto LPG ang Phoenix at Petron.

Tags: ,

More News