1 patay, 2 sugatan sa engkwentro ng mga pulis at drug suspects sa Bacolod

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 7144

lalaine_patay
Patay ang isang drug suspek na kabilang sa limang high value target ng Bacolod City Police Station 6 nang pagbabarilin ito ng mga pulis matapos tangkaing magpasabog ng bomba sa Rosario Heights, Brgy. Taculing ,Bacolod City.

Ayon sa PNP, magseserve lang sana sila ng search warrant ngunit biglang nagpapaputok ang mga ito.

Nakuha sa crime scene ang sampung empty shells, fragmentation granade, dalawang shot guns, 45 caliber pistol at live ammunitions at mga sachets ng shabu

Sugatan naman ang dalawang suspek na dinala sa ospital habang naaresto naman ang dalawang iba pa.

Ayon pa sa PNP matagal na nilang minomonitor ang galaw ng limang suspek na hindi pa pinapangalanan dahil sa umano’y koneksyon ng mga ito sa illegal drugs.

Posible ding nagooperate sa subdivision ang mga suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga ototirad ang nangyaring engkwentro at sasampahan ng kaso ang limang suspek.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,