1 patay, 3 sugatan matapos mabagsakan na puno sa San Pedro, Laguna

by Radyo La Verdad | August 14, 2018 (Tuesday) | 4261

Bali ang likod at matinding injury sa ulo ang tinamo ng isang trycycle driver matapos mabagsakan ng malaking puno ng mangga habang naghihintay ng pasahero sa sakayan ng tricycle sa St. Joseph Brgy. Langgam, San Pedro Laguna pasado alas siyete kagabi.

Kinilala ang nasawi na si Arado Garner, habang nagtamo naman ng injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga kapwa tricycle driver na sina Reynaldo Pama, Daryl Lyco at alyas Junrey na mabilis na isinugod sa Gavino Lying-in.

Ayon sa mga saksi, nabuwal ang puno ng mangga matapos hampasin ng malakas na hangin.

Nawalan din ng supply ng kuryente sa lugar matapos mahagip ang kable ng kuryente ng puno ng mangga na mahigit anim na pung taon na ang edad

Sa ngayon ay naibalik na rin ang supply ng kuryente sa lugar.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,