10 container vans ng mga illegally imported items, nasabat ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 1580

BOC
Sasampahan ng smuggling complaints ang may-ari at licensed customs brokers ng Linking Enterprises, Fortress Kinetic Electrical enterprises at richneil marketing kaugnay sa 10 container vans ng mga puslit na produkto na nakumpiska ng Bureau of Customs sa Port of Manila.

Misdeclared at undervalued ang mga kargamento na ipinasoksa bansa mula Disyembre 2014 hanggang Marso ngayong taon.

Kabilang sa nakumpiska ng Customs Bureau ang 7 container vans galing China na nakapangalan sa Lingking Enterprises na idineklarang naglalaman ng ceramic tiles.

Mahigit 216 thousand pesos ang declared value ng shipment subalit sa pagsisiyasat lumabas na mahigit 529 thousand pesos ang actual value nito.

Natuklasan din na kasama sa loob ng mga container van ang maraming toilet bowls.

Nasabat din ng BOC ang ilang container van na nakapangalan sa Aberjov Trading na idineklarang steel sheets ngunit nang buksan ay naglalaman ng dryer machine, molding machine, polycarbonate, pigment at ilang piraso lang ng steel sheets.

Nakukumpiska rin Customs Bureau ng container na naglalaman ng resin na idineklarang 97 thousand lang ang halaga pero sa pagsisiyasat lumabas na 258 thosand pesos ang totoong value o may 63% na discrepancy.

Nadiskubre ang mga iligal na kargamento dahil sa mga kaduda dudang dokumento.

Matapos makakuha ng alert order ang customs police mula sa enforcement group isinagawa ang inspeksyon sa mga kargamento at dito nakumpirma na misdeclared ang mga kargamento.

Tags: