10 indibidwal, sinampahan ng reklamo kaugnay ng nangyaring ambush sa mga PDEA agents sa Lanao Del Sur

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 2352

Sampung indibidwal ang sinampahan ng PNP ng kasong multiple murder at double frustrated murder kaugnay ng nangyaring ambush sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lanao Del Sur noong ika-5 ng Oktubre.

Ang mga ito ay kinilalang sina Oscar Capal Gandawali, Palawan Salem Macalabo, Lala Lolo Amboloto, Jamal Lolo Amboloto, Mizangcad Panonde Gandawali, Aiman Guro Gandawali, Jamel Borar Alyas Memekan, William Gandawali at dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal.

Ang mga ito ay pinaniniwalaang konektado sa isang Comayug Macapagal na nasa drugs watchlist ng pamahalaan at napatay sa buy bust operation ng mga pulis sa Marawi City noong ika-8 ng Agosto 2018.

Matapos ang insidente, nagbanta umano ang mga kamag-anak nito na gaganti sa mga tauhan ng pamahalaan.

Ang mga sinampahan ng kaso ay kamag-anak ni Comayug.

 

Tags: , ,