10 patay, 32 sugatan sa panibagong engkwentro ng militar at Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 5330

Photo credit: WestMinCom

Muling nakasagupa ng mga militar ang mga grupo ng Abu Sayyaf sa Barangay Laus, Talipao, Sulu pasado alas nuwebe ng umaga noong Linggo.

Pinangungunahan ang mga ito nina ASG Leader Radullan Sahiron, Subleaders Hadjan Sawadjaan na may koneksyon umano sa Islamic State o ISIS at Almujer Yadah na aabot sa isandaang katao.

Tumagal ng mahigit isang oras ang bakbakan na ikinasawi ng sampung ASG member habang tatlumput dalawa namang sugatan sa panig ng AFP.

Apat sa mga sugatang sundalo ang dinala sa Zamboanga City at binigyan ng tulong pinansyal.

Samantala, isang katawan ng mga bandido ang narekober at dalawang mataas na kalibre ng baril.

Ayon kay MGen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command, may dalang mga bihag ang mga nasabing grupo partikular ng Vietnamese.

(Dante Amento)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , , ,