Status quo order sa kaso ni GMA, pinalawig ng 90 araw

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 6204

File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Muling pinalawig ng Korte Suprema ang pinalabas na status quo ante order sa kasong plunder ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Dahil dito, hindi muna maaaring magsagawa ng anumang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ni Arroyo.

Matatandaang noong Oktubre 2014 ay umapela sa SC ang kampo ni Arroyo. Pinaboran ito ng mga mahistrado sa pamamagitan ng pagpapalabas ng 30-day status quo ante order.

Napaso ang nasabing resolusyon noong November 21 kaya’t muli itong pinalawig ng SC ng 90 araw.

Tags: ,