Walo ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at jeep sa Edsa Shaw

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 2696

REYNANTE_BANGGAAN
Galos at bugbog sa katawan ang tinamo ng walong pasahero ng isang pampasaherong jeep matapos mabangga ng isang bus sa Edsa Shaw dakong alas dose y medya ng madaling araw.

Agad naman na isinugod ang mga biktima sa Mandaluyong hospital.

Ayon sa driver ng bus na si Anthony Paña, dumiretso pa rin ang pampasaherong jeep bagamat naka go na ang kanilang linya sa intersection ng Shaw.

Ngunit itinanggi naman ng driver ng jeep ang akusasyon ng driver ng bus.

Sa lakas ng pagkabangga tanggal ang bumper at basag ang windshield ng bus.Yupi naman tagiliran ng jeep.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang pananagutan sa nangyaring aksidente.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , , ,