12 digital composite sketch appliance, ibinigay ng QC Government sa QCPD

by Radyo La Verdad | May 10, 2017 (Wednesday) | 2027


Labing dalawang digital composite sketch appliance ang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Quezon City Police District.

Ito ay isa sa pinakabagong gamit sa pagresolba ng krimen sa iba’t-ibang bansa.

Sa pamamagitan nito, mas madali nang magagawa ng mga pulis facial features ng mga suspect base sa diskripayo ng mga witness.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, tanging ang Camp Crame at Camp Caringal lamang ang mayroong ganitong equipment dito sa bansa.

(Grace Casin)

Tags: , , ,