12 lalaki na sangkot sa fraternity hazing sa Zamboanga City, kinasuhan na

by Erika Endraca | November 20, 2020 (Friday) | 158

Kinasuhan na ng paglabag sa Anti Hazing Law resulting to homicide ang 12 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sangkot sa initiation rites na ikinasawi ng 21 anyos na Si Joselito Envidiado o si Jun-Jun.

Kinilala ang ilan sa mga suspek na sina Marcelino Viñas Jr, master initiator at sina grand Triskelion Azis Camlian, Ruben Sebastian at Roldan Paler.

Ayon sa PNP, maaaring marami pa ang sangkot sa pangyayari na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad.

Labis na paghihinagpis naman ang nararamdaman ng mga kaanak at kaibigan ni Jun-Jun.

Hindi nila lubos maisip na mauuwi sa pagkasawi ang pangarap nito na maging sundalo.

Nitong Linggo nang idineklarang dead on arrival ang biktima sa Zamboanga City Medical Center dahil sa hematoma o pamumuo ng duo sa likurang hita na posibleng naging dahilan ng pagkamatay nito.

(Mj Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,