12 miyembro ng soccer team at coach na na-trap sa kweba, tinulungan ng Thai rescuers

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 736

Ipinahayag ng Thai officials na 12 kabataang lalaki na may edad mula labing isa hanggang labing anim na taong gulang kasama ang kanilang coach ay natagpuang buhay sa kweba matapos silang ma-trap sa loob ng sampung araw.

Ayon kay Chiang Rai Provincial Governor Narongsak Osotthanakon, hindi pa niya masabi kung kailan mailalabas ang nasabing mga kabataan.

Sinuong ng mga divers ang makitid na daanan at maputik na tubig para matunton ang mga na-trap kinagabihan ng Lunes, ika-2 ng Hulyo sa isang mataas na bato na may halos apat na kilometro mula sa bukana ng kweba.

May mga medical teams na ring papasok sa kweba upang agad masuri ang lagay ng kalusugan ng mga kabataan habang isinasagawa ang mga paraan kung paano sila makalalabas ng ligtas.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,