Mahigit 20, patay sa sunog sa isang Psychiatric Care Facility sa Moscow, Russia

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 1601
(photo credit: REUTERS)

(photo credit: REUTERS)

Isang Psychiatric clinic ang nasunog sa timog bahagi ng Moscow Russia noong Sabado.

23 sa mga naka-confine na pasyente ang kumpirmadong nasawi sa insidente habang 23 ang isinugod sa kalapit na ospital dahil sa nalanghap na carbon monoxide.

Isa rin ang nagtamo ng third degree burns.

Pitumpong pasyente at apat na staff ang nasa loob nang gusali nang sumiklab ang sunog na inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi.

Iniimbestigahan na rin kung may kapabayaan ang mga building administrator sa nangyaring sunog.

Tags: , , ,