Presyo ng mga paputok sa Bocaue Bulacan, tumaas

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 4726

NESTOR_PAPUTOK
Tumaas ngayon ang presyo ng mga paputok sa Bulacan.

Ayon sa mga nagtitinda ng paputok, naka-apekto sa bentahan nito ang pagtaas ng presyo ng potassium nitrate, potassium clorate at aluminum powder na ginagamit sa paggawa ng paputok.

Bukod sa tumaas ang presyo, naantala din ang pagdating sa bansa ng mga suplay ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng local firecrackers.

Oktubre na nang dumating ang mga ito na dapat sana ay noon pang buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga tumaas ang presyo ay ang small fountain na dating 15 pesos, ngayon 18 pesos na.

Ang sputnik fountain na mula sa 25-pesos ay naging 30-pesos na habang ang big fountain ay 60 pesos na ngayon mula sa 50-pesos na presyo nito noon.

Bukod sa mga pailaw, tumaas na rin ang betahan ng mga firecrakers at fireworks display.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,