2 patay, 1 kritikal sa helicopter crash sa Arizona USA

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1216
Arizona medical helicopter(REUTERS)

Arizona medical helicopter(REUTERS)

Dalawang crew members ang nasawi habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos bumagsak ang isang medical helicopter noong Martes ng gabi sa bulubunduking bahagi ng Southeastern Arizona sa Amerika.

Lulan ng helicopter ang dalawang medical crew at isang piloto.

Ayon sa mga otoridad walang lulan na pasyente ang helicopter.

Pabalik na sana ng global Arizona ang helicopter ng mangyari ang sakuna.

Nakikipagtulungan na ang mga sheriff officials sa National Transportation Safety Board upang imbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.

Tags: , , ,