13 Egyptian Policemen, patay sa pagsabog

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 936

EGYPT-POLICE
Labing tatlong Egyptian Policemen sa Sinai Peninsula ang nasawi matapos pasabugin ng Islamist militants ang security checkpoint na kanilang binabantayan.

Ayon sa Egyptian State Media, marami rin ang sugatan dahil sa insidente.

Mabilis dumating ang mga ambulasya sa lugar upang tulungan ang mga biktima.

Inako naman ng grupong Islamic State ang pagpapasabog.

Sinasabing 5 miyembro naman ng mga militante ang napatay ng mga Security Forces ng Egypt Government.

(UNTV NEWS)