PNP, magiging abala sa pagbibigay seguridad sa darating na national elections sa Mayo

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 1845

police manila

Magiging abala na ang Philippine National Police o PNP sa pagbibigay seguridad sa gaganaping national elections sa Mayo.

Ayon sa PNP, mas paiigtingin pa nito ang kampanya laban sa mga loose firearms at partisan armed groups.

Bukod sa pagbabantay sa anim na naunang ideneklarang election hotspots, tutukan rin ng PNP ang mga lugar na maraming naganap na krimen sa mga nakaraang eleksiyon.

Ang anin na probinsiya na tinukoy na election hotspots ay Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao at Lanao del Sur.

Tags: ,