13th month pay, dapat maibigay ng hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre – NWPB

by Radyo La Verdad | December 5, 2018 (Wednesday) | 619

Nagpaalala ang National Wages and Productivity Board (NWPB) sa mga employer na dapat ay maibigay ang 13th month pay ng mga empleyado ng hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre.

Ayon pa sa NWPB, dapat pa ring makatanggap ng 13th month pay ang mga empleyado na nag-resign ngayong taon.

Hinimok naman ng board ang mga empleyado na magsumbong sa Department of Labor and Employement (DOLE) sakaling ipagkait sa kanila ang 13th month pay.

 

Tags: , ,