13th-Month pay ng mga SSS pensioners ibibigay na simula Ngayong araw (Dec. 6)

by Erika Endraca | December 6, 2019 (Friday) | 988

METRO MANILA – Simula ngayong araw ay ibibigay na ng Social Security System o (SSS) ang 13th-month pay ng mga pensyonadong miyembro ng SSS.

Base sa pahayag ng ahensya ang 13th-month pay ay makukuha ng mga miyembro sa pamamagitan bank transaction.

Ang halaga na makukuha ng mga pensyonado ay depende sa kanilang monthly pension.

Ayon kay SSS President and Ceo Aurora Ignacio maaga nilang ire-release ang 13th month pay ng mga pensioner upang may magamit ang mga ito ngayong holiday season.

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: