Binatilyo, patay matapos tangayin ng malakas na agos sa ilog sa Liliw, Laguna

by Radyo La Verdad | September 10, 2018 (Monday) | 5308

LILIW, Laguna – Labis ang paghihinagpis ng ina ng 14 anyos na si Clifford Pongard habang nasa kaniyang kandungan ang wala ng buhay na anak.

Tinangay ng malakas na agos ng tubig ng Balid-Berin River si Clifford sa Barangay Calumpang, Liliw, Laguna nitong nakaraang Sabado ng hapon habang naliligo kasama ang pitong pang menor de edad.

Ayon sa 67-anyos na si Danilo Malilang na pinakamatandang kasama ng mga bata at nagsilbing bantay ng mga ito, tinangay aniya ng malakas na agos si Clifford habang lumalangoy sa kabilang bahagi ng ilog.

Hinagisan pa aniya nito ng kawayan ang biktima upang kapitan subalit pumailalim na umano ng ilog si Clifford at hindi na lumutang.

Makalipas ang ilang oras, nakuha ng mga mangingisda ang wala ng buhay na si Clifford.

Nananawagan si Osea sa mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak lalo na ang mga menor de edad na umalis ng bahay na hindi nila nalalaman.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,