14 patay sa magkakasunod na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao

by Erika Endraca | November 1, 2019 (Friday) | 1168

DAVAO CITY, Philippines – Umakyat na sa 14 ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring 2 makakasunod na malalakas na lindol nitong Linggo lamang sa ilang bahagi ng Mindanao.

Samantala, umabot na rin sa mahigit 400 ang nasugatan at karamihan dito ay nadaganan ng mga gumuhong debri.  Isang hotel din ang gumuho sa bahagi ng Kidapawan City kasunod ng nangyaring malakas na pagyanig.

Buti na lamang at hindi na ipinagamit ang nasabing hotel mula pa noong unang nangyaring malakas na lindol noong October 16 kung kaya’t walang nasaktan sa nasabing pagguho.

Nananawagan naman ng tulong ang mga lokal na pamahalaan sa mga kalapit bayan at probinsya lalo na sa mga hindi apektado ng lindol na mabigyan sana sila ng karagdang ayuda upang maituloy tuloy nila ang tulong na maibigay sa mga apektadong residente. Pangunahin dito ang foodpacks, tubig at mga tarapal na pwedeng gawing tent sa mga evacuation sites.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,