LTOPF and PTCFOR Application, tuloy kahit may gun ban

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 656

LEA_MAYOR
Tuloy ang transaksyon sa Camp Crame para sa aplikasyon ng License to own and possess firearms.

Ito’y kahit na umiiral na ang COMELEC gun ban.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, hindi naman kasama sa gun ban ang pag pagkuha ng LTOPF at maging ang aplikasyon ng Permit to carry firearms outside of residence o PTCFOR.

Nilinaw ni Mayor na sakaling maaprubahan ang LTOPF at PTCFOR application ay hindi pa rin maaaring makapagdala ng baril ang isang indibidwal.

Itoy dahil ngayong election period, ang COMELEC ang may kapangyarihan na magbigay pahintulot sa isang gun owner upang makapagdala ng baril outside of residence.

Sa ilalim ng COMELEC gun ban, tanging ang mga law enforcer tulad ng pulis at sundalo na naka duty ang pinapayagang magdala ng baril.

Sakaling mahuli, ayon kay Mayor, maaaring makasuhan ng paglabag sa omnibus election code at makulong ng isa hanggang anim na taon, di na makaboboto at hindi na rin makahahawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,