150 pinangangambahang nasawi sa landslide sa Sri Lanka

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 1479
Mga nasawi sa landslide sa Sri Lanka(REUTERS)

Mga nasawi sa landslide sa Sri Lanka(REUTERS)

Mahigit isang daan at limampu ang pinangangambahang nasawi sa dalawang landslide na dulot ng mahigit tatlong araw na matinding pag-ulan sa Central Sri Lanka.

Nakatuon ngayon ang rescue efforts sa bayan ng Aranayaka kung saan tatlong village ang natabunan ng lupa.

Tatlumput pito na ang kumpirmadong nasawi at patuloy pa ang paghahanap sa iba pang nawawala.

Mahigit 200,000 residente rin ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa baha.

Tags: , ,