Road widening at road construction, sagot sa bumibigat na traffic sa San Fernando, Pampanga

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 7202

san fernando traffic 2
Kailangan nang palawakin at dagdagan ang mga lansangan sa Siyudad ng San Fernando upang matugunan ang pagdami ng mga byahero.

Araw-araw ay mahigit isang milyon ang mga dayo at manggagawang bumabyahe sa San Fernando City at inaasahang lalo pang lalaki ang bilang na ito dahil sa paglago ng mall industry sa lugar.
Sa mga susunod na taon, ilang malls pa ang inaasahang maitayo rito kasabay ng 30-billion-peso investment sa lungsod ng Megaworld Corporation.

Ayon kina Mayor Edwin Santiago and Vice Mayor Jimmy Lazatin, hindi na kakayanin ng kasalukuyang mga lansangan ang bumibigat na volume ng traffic.

Sa isang average mall pa lang, nakakapagtala na araw-araw ng nasa anim na libong vehicular activities papasok at palabas ng premises nito.

Kasama na rito ang mall transport hubs, commercial buses at vans .

Kaugnay nito ay nakalatag na ang plano ng pamahalaang lunsod ng San Fernando upang solusyonan ang bumibigat na traffic sa siyudad.

Ang panukalang proyekto para sa traffic decongestion ay kinabibilangan ng road widening, road construction at pagdaragdag ng alternate routes.

Tags: , ,