UNTV at MMDA , nagkaisa na pagsama-samahin ang mga rescue group sa buong Metro Manila

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1964

mon_pirmahan
Lumagda sa isang kasunduan kaninang umaga ang UNTV at Metro Manila Development Authority o MMDA na naglalayong pagsama-samahin o pag-isahin ang lahat ng rescue group sa Metro Manila.

Sinabi ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na layunin ng kadunduan na mapa-igting pang lalo at mapalawak ang rescue operation sa kalakhang Maynila.

Nauna ng inilunsad ng UNTV ang Emergency Race, isang paligsahan ng mga rescue groups ng kanilang rescue skills.

Ang mananalo sa kompetisyon ay tatanggap ng premyo mula sa UNTV para pambili ng mga karagdagang kagamitan na magagamit sa rescue operations.

Tags: , , ,