US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, nakatakdang ilipat sa intelligence service ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo

by Radyo La Verdad | February 9, 2016 (Tuesday) | 892

BENEDICT_PEMBERTON
Ililipat ng Bureau of Corrections si US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa intelligence service ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.

Ipinahayag ni BuCor Chief Ricardo Rainier Cruz na hinihintay na lamang nila ang pagdating ng engineering unit mula sa U-S bago ilipat sa loob ng ISAFP ang container van na siyang nagsisilbing kulungan ni Pemberton.

Samantala mahigpit naman binabantayan ng Philippine at US Forces ang nasabing container van na kasalukuyang nasa compound ng Philippine US Mutual Defense Board Security Engagement Board.

Matatandaang hinatulang guilty ng homicide si Pemberton sa pagkamatay ni Jeffrey Laude o mas kilala bilang Jennifer Laude noong Oktubre 2014.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,