Japan airport, naghigpit ng seguridad matapos makapagtala ng unang kaso ng Zika virus sa Asia

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1445
Japan airport(REUTERS)

Japan airport(REUTERS)

Mahigpit na ang ginagawang monitoring ng Japan sa Haneda airport sa Tokyo dahil ulat na nakapasok na ang Zika virus sa Asia.

May mga electronic signboard malapit sa mga quarantine counter sa arrival floor ng paliparan.

Dito ipinapaliwanag ang mga precautionary measure kapag bibiyahe patungo at pabalik ng South Amerika kung saan unang nagkaroon ng outbreak ng Zika virus.

Kahapon kinumpirma ng China na may kaso ng virus sa bansa.

Tags: , ,