Isang batch ng anti-obesity pill, ipinare-recall ng FDA sa merkado

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 3354

edited-fda
Ipinag utos ng Food and Drug Administration o FDA ang pag-recall ng isang batch ng anti-obesity pill na Orlistat dahil sa pagbagsak nito sa assay laboratory test o ang pagsusuri upang masukat ang mga component o sangkap ng isang gamot

Partikular na ipinapa-pull out ng FDA sa merkado ang Orlistat o Reducin na 120 gram capsules na may batch number dr-xy40428 at may expiration date na October 2016

Inabisuhan ang mga distributor, retailer, hospital at pharmacies na mayroong ganitong uri ng gamot na itinitinda na huwag na itong ipagbili dahil mayroon itong banta sa kalusugan.

(UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,