Buzzer beater 3 points shot ni Ollan Omiping ,naging susi sa tagumpay ng PNP Responders upang makapasok sa finals ng UNTV Cup Season 4.

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 1168

UNTV-CUP
Sa ikatlong pagkakataon, tatangkain ng Seasons 1 & 2 runner up PNP Responders na masungkit ang kampyonato ng UNTV Cup, ang liga ng mga Public servants.

Sa pamamagitan ng makapigil hiningang 3 point shot ni Seasons 1 & 2 MVP Ollan “The Sniper” Omiping sa huling apat na segundo ng laban kontra MMDA Blackwolves kahapon sa Ynares Sports Arena, sinelyuhan ng PNP ang kanilang tagumpay upang makapasok sa final round at tinalo ang MMDA sa score na 72–69.

Dikit ang laban sa pagtatapos ng first quarter, lamang ang PNP ng isang puntos 16–15.

Pumutok ng husto ang opensa ng mga pulis sa 2nd Quarter sa pangunguna ni PO2 Rolando Abaya na nagrehistro ng sampung puntos sa ikalawang quarter upang pangunahan ang PNP na tinapos ang first half ng may 16 point advantage 46–30.

Hindi sumuko ang Blackwolves at nagawang pa lumamang ng dalawang puntos sa pagtatapos ng 3rd Quarter 59–57.

Pagpasok ng last quarter, dikdikan ng husto ang depensa ng magkabilang team.

Sa pamamagitan ng jumper ni gatekeeper Peter John Villanueva ng MMDA, nagawang maitabla ang score – 69 all, 8 point 3 seconds na lamang ang nalalabi.

Last four seconds tumira mula sa rainbow country si Omiping at dito na tinapos ang kampanya ng MMDA sa championship na may twice to beat advantage sa semi finals.

Tinanghal na best player of the game si Omiping na may 11 points, 10 rebounds, 4 assist , 3 steals at isang block.

Nag ambag naman si PO2 Rolando Abaya ng 16 points at 4 rebounds.

Samantala nanguna naman sa MMDA si Jeffrey Sanders na may 17 markers at anim na boards at si Cyril Santiago at Peter John Villanueva na kapwa may 12 points.

Makakaharap ng pnp responders ang AFP Cavaliers sa finals game 1 sa February 28 sa Ynares Sports Arena

Samantalang maglalaban naman ang MMDA Blackwolves at NHA Builders para sa third place sa darating na linggo.

(Bernard Dadis/UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,