Science Nation Tour, sinimulan ng DOST sa Iloilo City

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1663

VINCENT_DOST
Sinimulan na kahapon ng Department of Science and Technology o DOST ang Science Nation Tour sa Iloilo City.

Layon ng 3-day-science tour na madagdagan ang kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng siyensa upang lalong mapaunlad ang ating pamumuhay.

Nakapaloob din dito ang iba’t-ibang proyekto na ilulunsad ng DOST sa Western Visayas tulad ng free wifi sa mga pampublikong lugar sa rehiyon, Micro, Small and Medium Enterprise o MSME product fair at science trips para sa mga estudyante.

Gayundin ang pagpapasinaya sa unang doppler radar and synoptic station dito sa Iloilo na makatutulong ng malaki upang lalong makakuha ng mas eksaktong impormasyon hinggil sa weather forecasting sa rehiyon.

(Vincent Arboleda / UNTV Correspondent)

Tags: , ,