14 bagong kaso ng Zika virus, naitala sa Amerika

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 1565

AMERIKA
Iniimbestigahan ngayon ng US Center For Disease Control (CDC) ang 14 na panibagong kaso ng Zika virus na posibleng nakuha umano sa pakikipagtalik.

Kabilang sa 14 na bagong naitalang kasong ito ay ang ilang inang buntis.

Ibinunyag ng Public Health Body ang rebelasyon kasabay ng paglimbag nila ng panibagong guidance patungkol sa sexually transmission ng virus.

Una ng nag-isyu ng guidance ang health body makaraan maitala ang unang kaso ng Zika virus sa Dallas Texas kung saan nahawa ng lalaki ang kanyang partner.

(UNTV NEWS)

Tags: ,