2 malubhang nasugatan sa magkakahiwalay na banggaan sa Pampanga

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1790

PAMPANGA
Limang sasakyan ang nagbanggaan sa Claro M. Recto at Salapungan Angeles City Pampanga sa McArthur Highway, huwebes ng madaling araw.

Isa ang malubhang nasugatan na kinilalang si Abigail Lacson matapos maipit ang paa.

Agad naman ito nilapatan ng pangunang lunas ng Angeles City Rescue Unit bago inihatid sa ospital.

Ayon sa Angeles City Traffic Management And Enforcement Unit, sa ngayon ay patuloy pa rin nilang ini imbestigahan kung sino ang dapat managot sa aksidente.

Samantala, malubha ring nasugatan ang driver ng elf truck matapos namang makabangga ang isang truck sa kahabaan ng McArthur Highway sa bayan ng San Simon kahapon.

Ayon sa kasamang pahinante nito, nakatulog ang driver kung kaya nabangsa sa kasalubong na dump truck.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: ,