
Nagsagawa ang Pangasinan University Federated Student Government ng “Yes We Can Ignite Leadership Training-Seminar Cum Team Building.”
Layunin nito na mas mahasa pa ang mga kabataan sa ibat ibang aspeto ng kaalaman at kasanayan upang magamit at maihanda sila sa mga responsibilidad hindi lang bilang youth leader sa kanilang mga universities kundi pati na rin sa kanilang komunidad.
Ito ay tatlong araw na activities na dinaluhan ng mga representative mula sa siyam na unibersidad sa Pangasinan.
Inaasahang sa tatlong araw na event na ito ay maraming kaalaman na maibabahagi sa kanila na magagamit nila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)
Tags: Ignite Leadership-Trainings-Seminar Cum Team Building, pangasinan, Youth leaders
Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na palalakasin ng Commercial Seaplanes ang turismo ng probinsya.
Sa pamamagitan nito mababawasan ang mahigit 3 oras na byahe ng mga turista at mga pasahero mula Manila patungong Lingayen at ito ay magiging 1 oras na lamang.
Ayon kay Gov. Ramon B. Guico III, na isa ring piloto, may kapasidad ang seaplane na maglulan ng mahigit 10 pasahero para sa isang mabilis na paglalakbay.
Isang sasakyang panghimpapawid at pandagat ang seaplane na inaasahang babyahe mula Manila Bay patungong Lingayen, The Hundred Islands at iba pang baybaying destinasyon ng probinsya.
Nitong Linggo, November 19 ay nasubukan na ang unang paglalakbay ng seaplane na Airtrav RP-C1208 mula Binalonan hanggang Limahong Channel.
Bumyahe rin ito mula Lingayen sakay ang first family ng probinsya-Gov. Ramon V. Guico III at ang ama nitong si 5th District Cong. Ramon Guico Jr. patungong Alaminos City at Bolinao kasama si 1st District Congressman Arthur Celeste.
(Andrei Canales | La Verdad Correspondent)
Tags: pangasinan, Seaplanes
Sinagip ng Patrol Craft (PC 388) ang 7 mangingisda sa hilagang-kanluran ng Silaqui Island, Pangasinan matapos masiraan ng makina ang sinasakyan nilang bangka noong Agosto 25.
Nakatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Pangasinan ng report na 7 mangigisda ang naitalang nawawala matapos mangisda sa 15 nautical miles sa hilagang-kanluran ng Bolinao, Pangasinan.
Umaksyon agad ang PC 388 ng Naval Forces Northern Luzon upang magsagawa ng search and rescue operation.
Natagpuan ang 7 mangigisda na nakasakay sa FB Sea Hunter na 13 nautical miles sa hilagang-kanluran ng Silaqui Island. Agad na sinagip ang mga ito at isinailalaim sa health screening bilang pagtugon sa health protocol dahil sa banta ng COVID-19.
Binigyan din ng pagkain at tubig ang mga nasagip na mangingisda samantalang ang bangka ng mga ito ay ibinalik pauwi sa Bolinao, Pangasinan.
Pinuri ni Captain Francisco G. Tagamolila, Commander of Naval Forces Northern Luzon ang PC 388 troops dahil sa mabilis nitong pag-aksyon na nagbunga upang mailigtas ang buhay ng 7 mangigisda.
Sa pahayag naman ni Northern Luzon Command Chief at concurrent Commander ng Area Task Force- North (ATF- North), Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., sinabi nito na bukod sa mga tungkulin ng ATF- North na pagbabantay at pagtatanggol sa hilagaang teritoryong pantubig ng bansa, tungkulin din nila na protektahan ang kaligtasan ng bawat mangingisdang naglalayag sa dagat upang maghanap-buhay.
(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)
Tags: pangasinan
Hindi inaasahan ng marami sa mga residente sa probinsya ng Pangasinan ang lakas na dala ng Bagyong Ompong. Ilan sa mga pangunahing kalsada naman sa probinsya ay lubog pa rin sa baha.
Isa si Mang Gil ang nakasaksi sa lakas ng Bagyong Ompong nang tumama ito sa Dagupan, Pangasinan. Bagaman sanay na aniya sila sa mga dumadaang bagyo, ngayon lamang ulit sila nakaranas ng kasing lakas ng hangin at ulan na dala ni Ompong.
Si Aling Arsenia naman, sinira ng bagyo ang kaniyang maliit na kabuhayan, ang pagpaparenta ng mga cottage. Sa kita na dalawandaan hanggang tatlong daang piso kada araw, pinagkakasya lamang niya ito sa gastusin nila ng kaniyang tatlong anak.
Bagaman iniwan na ng Bagyong Ompong ang probinsya, nananatili naman ang banta ng patuloy na pagbaha sa ilang bayan ng Pangasinan. Ito ay dahil naman sa pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam mula pa noong Sabado.
Sinalo ng San Roque Dam ang mga tubig na umagos mula sa bundok ng Benguet, partikular sa Baguio City kaya mabilis nitong naabot ang critical level na 280 meters.
Dahil sa pagpapakawala ng tubig sa dam, agad naman na tumaas ang mga ilog sa mga bayan tulad ng Santa Barbara, Calasiao at Dagupan, kaya naman apektado ang mga residenteng malapit sa ilog.
Naperwisyo rin ng baha maging ang ilan sa mga eskwelahan. Ang kalsada patungong Dagupan City mula sa Urdaneta ay apektado rin ng baha at hirap ang mga sasakyan na makausad dahil halos hanggang tuhod ang lalim ng baha.
Ayon sa NAPOCOR, posibleng abutin pa ng hanggang katapusan ng buwan bago bumalik sa normal ang level ng tubig sa San Roque Dam.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Ompong, NAPOCOR, pangasinan