Patay ang dispatcher ng PUJ matapos saksakin ng tatlong lalaki sa Cebu City

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1990

MARLON_PINAGSASAKSAK
Nakahandusay ang biktima ng madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa Magallanes St. Cebu City, pasado ala una ng umaga kanina.

Kinilala ang biktima na si Gagay na nagtamo ng sampung saksak sa katawan, pito sa likod, dalawa sa dibdib at isa sa tagiliran.

Ayon sa nakasaksi na tumangging magpakilala, hinabol ng tatlong suspek si Gagay at saka pinagsasaksak matapos maabutan sa Magallanes St.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng pagpaslang sa biktima.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,