19 panukalang batas, hiniling ni Pangulong Marcos Jr. na maipasa ng Kongreso

by Radyo La Verdad | July 26, 2022 (Tuesday) | 27911

METRO MANILA – Ilang panukalang batas ang hiniling ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mabigyang prayoridad ng kongreso sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).

Kabilang na riyan ang pagpasa ng amyenda sa Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law.

Umaasa rin ang pangulo na sa pakikipagtulungan sa kongreso, makapagtatatag ang Pilipinas ng sariling Center for Disease Control and Prevention.

Ganoon din ang pagpapatayo ng isang vaccine institute.

Nais din ni PBBM na magtatag ng specialty health centers at clinics na dadalhin sa mga probinsya.

Hiniling din ng pangulo ang pagkakaroon ng batas para sa National Government Rightsizing Program.

Ilan pa sa hiniling ng pangulo na maipasa ng pangulo ang Budget Modernization Bill, Dept of Water Resources, National Defense Act at ang Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) at pag amyenda sa ilan pang batas gaya ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA law of 2001.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mambabatas.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,