192 police officials ng CALABARZON, sumailalim sa surprise drug testing

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 2061

DRUG-TESTING
Isang surprised urine drug testing ang isinagawa sa Camp Vicente Lim sa Laguna kahapon.

Isang daan at siyamnaput dalawang opisyal ng pulisya ang sumailalim dito kabilang na ang lahat ng Chief of Police at Provincial Directors sa buong CALABARZON Region.

Ang drug testing na isinasagawa sa hanay ng pambansang pusliya ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Duterte administration laban sa krimen at talamak na iligal na droga.

Bukas inaasahang lalabas na ang resulta ng isinagawang drug test.

Tiniyak ng PNP na agad aalisin sa serbisyo at mananagot sa batas ang sinoman sa kanilang tauhan na magpopositibo sa illegal drugs.

(Sherwin Culubong/UNTV Radio)

Tags: