Rio 2016 organizers, nagdaos ng golf test event bilang paghahanda sa nalalapit na Olympics

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 947

RIO
Nagdaos ang Rio 2016 organizers ng Olympic Golf event nitong Martes.

Bilang paghahanda ito sa pagbabalik ng golf event sa Olympics mula noong 1904.

Ngunit ang inaasahang makasaysayang test event ay hindi naging makulay at maningning.

Ito ay sa dahilang ang isang daan at apat na volunteers na itinalaga para sa kumpetisyon ay siyam na golfer lamang ang inasikaso.

Halos lahat ng mga international golfer na inimbitahan ay tumangging maglaro dahil sa World Golf championship sa Miami, Florida at sa LPGA tour sa Singapore.

Ang dalawang malalaking golf event na ito ay natapos lamang nitong nakaraang linggo.

(UNTV NEWS)

Tags: