2 miyembro ng Abu Sayyaf Group , nadakip sa Taguig City

by Erika Endraca | July 14, 2021 (Wednesday) | 85

METRO MANILA – Nadakip ng mga otoridad aang 2 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na kinilalang sina Taupik GALBUN y Gaffar alyas Pa Wahid at Saik GALBUN y Gaffar alyas Pa Tanda sa Upper Bicutan, Taguig City.

Hinuli ang mga salarin sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Kidnapping at serious illegal detention.

Matatandaang sangkot si Alyas Pa Wahid sa pagpaslang kina Primitivo Falcansantos, Crisanto Suela at Guillermo Sobero, at pagdukot sa 3 guro ng Landang Gua Elementary School, Sacol Island, Zamboanga City noong January 23, 2009.

Samantala, kinilala naman ng isang nakaligtas na biktima na dawit si Alyas Pa Tanda sa kidnapping ng 6 na miyembro ng Jehovah’s Witness noong August 20, 2002.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek at kasalukuyang nasa kostodiya ng Detective Special Operation Unit (DSOU).

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)