2 motorcycle rider na naaksidente sa Quezon City, tinulungan ng UNTV at MMDA Rescue

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 4904

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidenteng kinasangkutan ng isang motorsiklo sa Edsa corner North Avenue, Quezon City kaninang pasado ala una y medya ng madaling araw.

Sugatan ang mga sakay ng motor na kinilalang sina Tricky Amaro at Sammy Septimo.

Ayon sa mga biktima, nabangga nila ang orange plastic barrier habang papaliko sa kanto ng Edsa at North Avenue. Sumemplang ang kanilang motor at nasubsob sa kalsada ang dalawa.

Nagtamo ang mga biktima ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue ang dalawa.

Matapos malapatan ng first aid ay dinala ang mga biktima sa East Avenue Medical Center para sa kaukulang atensyong medikal.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,