Dalawang nasugatan sa aksidente sa San Pedro Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 1493

NEWS-AND-RESCUE
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang nasugatan sa isang aksidente sa National Highway ng Barangay San Vicente sa San Pedro, Laguna pasado alas-diyes kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jelo Yabot, nagtamo ng mga gasgas sa kanang kamay at sugat sa mukha, at si Leonel de Mesa na idinadaing naman ang pananakit a ng kanyang binti.

Ayon sa isang nakakita sa pangyayari, nagmamaneho si Yabot ng kanyang motorsiklo nang mabangga ang papatawid namang si de Mesa.

Matapos magsagawa ng rapid assessment sa mga biktima ay nilapatan na ng Rescue Team ng pang-unang lunas ang kanilang tinamong sugat.

Si Yabot ay tumanggi nang magpahatid sa ospital habang si de Mesa ay isinugod pa sa pagamutan ng rumesponde ring San Pedro Rescue para sa mas masusing physical examination. ( Sherwin Culubong / UNTV News)

Tags: , ,