2-time Wimbledon Tennis Champion Kvitova, hindi muna makapaglalaro matapos ang knife attack

by Radyo La Verdad | December 22, 2016 (Thursday) | 767
2-time Wimbledon Tennis Champion Petra Kvitova(REUTERS)

2-time Wimbledon Tennis Champion Petra Kvitova(REUTERS)

Two-time Wimbledon Tennis Champion Petra Kvitova, anim na buwang hindi makapaglalaro matapos maapektuhan ang dominant hand sa nangyaring knife attack noong isang araw.

Sumailalim ang world number 11 sa halos apat na oras na operasyon matapos makipagbuno sa suspek na nanloob sa kanyang apartment sa Czech republic.

Ayon sa tagapagsalita ni Kvitova, tagumpay ang operasyon at ngayon ay nagpapagaling na ang Czech tennis player.

Samantala patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang suspek sa pananaksak.

Tags: ,