20 patay sa pagsabog sa Libya

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 556
Photo Courtesy: Reuters

Photo Courtesy: Reuters

Umakyat na sa dalawampu at pinangangambahang tataas pa ang bilang ng nasawi sa pagsabog sa isang ammunition store sa bayan ng Garabulli sa Western Libya.

Ayon sa mga otoridad, kinubkob ng mga bandido ang tindahan dahil sa pagtanggi ng may-ari nito na magbigay ng pera.

Hindi pa naman matukoy kung ano ang naging sanhi ng pagsabog na nag-iwan rin ng tatlumpung sugatan.

(UNTV RADIO)

Tags: