Do or die game ng AFP Cavaliers at PNP Responders para UNTV Cup 4 finals, mamayang gabi na

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 1644

UNTV-CUP
Matapos maipwersa ng season champion AFP Cavaliers ang do or die game kontra mahigpit na karibal na PNP Responders, magkakaalaman na kung sino sa dalawa ang tatanghaling kampyon ng UNTV Cup Season 4 mamayang ala syete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa game 1 noong February 28 tinalo ng Responders ang Cavaliers sa score na 84- 80.

Sa game 2, buwelta ang AFP at niratrat agad ng matinding opensa ang PNP nagtapos ang game 2 sa score na 71-66.

Desidido ang AFP Cavaliers na ulitin ang nangyari sa season 2 kung saan magkasunod nilang tinalo ang Responders sa game 2 at 3.

Ang tatanghaling kampyon sa UNTV Cup ay mag-uuwi ng apat na milyon pisong cashprize kung saan ang 3.5 million pesos ay ibibigay ng winning team sa kanilang napiling benificiary at ang kalahating milyong piso ay paghahatian ng buong team.

(UNTV CUP)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,