204,000 job vacancies, nakalaan sa gaganaping Labor Day Job Fair ng DOLE

by Radyo La Verdad | April 30, 2019 (Tuesday) | 1698

METRO MANILA, Philippines – Mahigit 200,000 trabaho sa loob at labas ng bansa ang nakalaan sa gaganaping Labor Day Jobs Fair ng Department of Labor and Employment o DOLE bukas, May 1, 2019.

18,000 dito ay job vacancies sa mga ahensya ng gobyerno kabilang dito ang pagiging non-uniformed personnel ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Internal Revenue at Armed Forces of the Philippines.

Ang Job Fair ay gaganapin sa 31 venue sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang magiging main site naman ay ang Kingsborough International Convention Center sa San Fernando City, Pampanga.

Samantala, wala namang planong pigilan ng Duterte Administration ang mga nakatakdang kilos-protesta kaalinsabay ng paggunita sa Labor Day bukas.

“It’s their right to protest, you can even join them,” ani Presidential Spokesperson and Chief Legal Counsel Salvador Panelo.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,