21 sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa Cotabato City

by Erika Endraca | December 23, 2019 (Monday) | 346

Nasugatan ang 21 indibidwal sa naganap na magkakahiwalay na pagsabog sa iba’t ibang lugar sa Cotabato City Kagabi (Dec. 22).

9 sa sugatan ay pawang mga sundalo. Itinuro naman ni Regional Military Spokesperson Major Arvin Encinas ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighther sa (BIFF) na syang nasa likod ng insidente.

Sa ngayon naka lock down na ang lahat ng entry at exit point ng Lungsod.

(Marisol Montaño | UNTV News)

Tags: