23 BIFF members, 2 sundalo, patay sa sagupaan sa Maguindanao

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 1718

BASITUSMAN_031215

23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatuloy ng all-out offensive  laban sa mga rebelde sa Maguindanao.

Nasawi rin ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan sa naganap na bakbakan sa Brgy. Pusao, Sharif Saidona Mustapha; Datu Salibo at Datu Piang mula Martes hanggang Miyerkules.

Napaulat na malalapit na tauhan ni international terrorist Basit Usman ang grupong naka-engkuwentro ng AFP.

Batay sa datos ng miltar, umabot na sa 96 BIFF fighters, at anim na sundalo ang napatay habang nasa 31 sundalo naman ang sugatan mula nang ilunsad ang all-out offensive noong Pebrero.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,