Pre-labor day jobs and career fair, isinagawa ng DOLE sa Cebu

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 1686

GLADYS_PRE-LABOR
Naging matagumpay ang idinaos na Pre-labor day jobs and career fair ng Department of Labor and Employment sa Mandaue City sa Cebu.

Personal pa itong binisita ni Pangulong Benigno Aquino III upang alamin ang mga trabahong inaalok sa ating mga kababayan, lalo na sa pamamagitan ng job portal ng pamahalaan na Philjobnet.

Ayon sa DOLE, mahigit sa limangdaang job seekers ang na-hire on the spot at marami rin ang nag-apply sa 17000 libong trabaho na inialok ng 47 participating companies.

May mga pumila ring fresh graduates na nagbaka-sakaling makakuha ng magandang trabaho.

Payo rin ng DOLE sa mga naghahanap ng trabaho na mag-ayos at gawing presentable ang sarili, gumawa ng maayos na resume at paghandaan ang pagsagot sa interview.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,