Mga residente sa isang barangay sa Aurora, napaglingkuran sa medical mission ng MCGI at UNTV

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 3355

MEDICAL-MISSION
Kahirapan sa buhay at malayong lokasyon ng mga pagamutanang kalimitang dahilan kung bakit hindi nakakapagpa-konsulta sa duktor ang maraming residente sa Baler, Aurora.

Gaya na lamang ng pamilya ni Aling Precy na sa halip magpagamot ay tinitiis na lamang ang ubo at sipon at iba pang karamdaman.

Kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa libreng medical mission ng UNTV katuwang ang Members of Church of God International.

Bagaman tatlong oras silang naglakbay sakay ng bangka mula sa kanilang bahay sa San Luis ay hindi nila ito inalintana, makakuha lamang ng libreng gamot at medical service.

Nagpapasalamat rin si Lola Esperanta dahil nai-konsulta niya sa duktor ang matagal na niyang iniindang pananakit sa sa kasu-kasuan.

Kabilang sa mga alok na serbisyo ng medical mission ay ang libreng medical consultation, tooth extraction, pedia, libreng salamin sa mata, libreng ECG at cbg at libreng gamot.

Sa kabuuan ay umabot sa tatlong daan at limampu’t lima ang naserbisyuhan sa medical mission ng UNTV at MCGI sa Baler, Aurora.

Kalimitan sa mga nagpapatingin sa medical mission ay may hypertension kaya payo ng isa sa mga volunteer doctor ng Clinic ni Kuya Daniel sa ating mga kababayan na mag-ingat at magkaroon ng healthy lifestyle.

Ang pagsasagawa ng libreng medical mission ay bahagi ng adbokasiya ng UNTV at MCGI na tumulong sa kapwa-tao, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

(Grace Doctolero/UNTV NEWS)

Tags: , , , ,

P1.56-M na tulong pinansyal, ipinagkaloob sa 24 na dating rebelde sa Baler

by Erika Endraca | March 30, 2021 (Tuesday) | 4786

METRO MANILA – Ipinagkaloob ng pamahalaan noong Martes (Marso 30) ang P1.56-M o tig-P65,000 na tulong pinansiyal sa 24 na dating rebelde sa Baler, Aurora kaugnay sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kinumpirma ni Lt. Col. Reandrew P. Rubio, 91st Infantry “Sinagtala” Battalion Commander, na bukod sa nasabing ayuda ay makatatanggap din sila ng mga pabahay mula sa National Housing Authority (NHA).

Bibigyan din sila ng prayoridad sa edukasyon at sa mga training na isinasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Ang E-CLIP ay isang programa sa ilalim ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang Whole-of-Nation Approach na naglalayong tulungan ang mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) na makapagbagong-buhay.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

MCGI Free Store, global launch sa March 14, 2021

by Erika Endraca | March 10, 2021 (Wednesday) | 62475

MANILA, PHILIPPINES – Isasagawa ng Members Church of God International (MCGI) sa kauna-unahang pagkakataon ang Global Launch ng MCGI Free Store sa darating na March 14, 2021 araw ng Linggo.

Ito ay isa sa mga magagandang konsepto ni Bro. Eliseo F. Soriano at Mr. Public Service Kuya Daniel Razon at sa pakikipagtulungan ng Members Church of God International.

“Get what you need not what you want”, ito ang adbokasiya ng proyekto para sa mga kababayan nating kulang o gipit ang pera o kita upang maipantustos at mabili ang kanilang mga kailangan.

Layon din nito na maabot at matulungan ang mga nangangailangan.

Ang proyekto ay hindi lamang eksklusibo sa mga miyembro ng samahan, maging sa hindi myembro ay bukas ang kanilang tanggapan.

Mula sa mga damit, mga accesories, appliancess, sapatos at iba pangmga gamit na inyong mapapakinabangan ang inihanda ng MCGI Free Store.

Ito ay mula sa iba’t-ibang grupo ng samahan, nagtulong-tulong upang makapagbigay at makaipon ng donasyon na magagamit para sa proyekto.

Maaari kayong magregister sa www.mcgifreestore.compara makakuha ng mga gamit na inyong kakailanganin.

Bawat participants ay magkakaroon ng mga point at ito ang kanilang magagamit para makapili at makakuha ng mga gamit na kanilang mapapakinabangan.

(Jasper Barangan | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

DSWD, MCGI at Serbisyong Bayanihan magkatulong na tinugunan ang hiling ng isang nangangailangan

by Erika Endraca | December 9, 2020 (Wednesday) | 67341

METRO MANILA – Natanggap na ni Mang Ariel Llorente ang kanyang request na bible at reading glasses maging ang kahilingan nitong mapatingin sa espesyalista, ito ay dahil sa pagtutulungan ng programang Serbisyong Bayanihan, Members Church of God International (MCGI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region V.

Si Mang Ariel ay isa sa mga tumawag sa programang Serbisyong Bayanihan na humihingi ng tulong na mapatingin siya sa espesyalistang doktor dahil sa sari-sari nitong dinaranas na sakit. Dahil dito halos 3 aon na itong bed ridden at nadiagnose din itong may cataract kaya hirap na siyang makakita.

Hindi na nito nagawang makapagpacheck-up pang muli dahil hindi sumasapat ang sweldo ng asawa nitong nagtatrabaho sa grocery store na ayon kay Mang Ariel ay below minimun wage pa ang sweldo nito.

Kaya naman hindi na ito nagatubili pang tumawag sa programa para humingi ng tulong.

Agad naman itong inaksyunan ng programa at tinawagan ang magasawa ng isang social worker mula sa DSWD Regional Office V at tinulungan ito kung papaano makapag-avail ng medical at financial assistance mula sa ahensya.Pinuntahan din siya ng ilang representante mula sa LGU at binigyan ng kaukulang aksyon.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

More News