Flyboarding world champion Gemma Weston pinahanga ang libo-libong manonood sa Ireland

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1925

Gemma-weston
Pinahanga ni Flyboarding world champion Gemma Weston ng New Zealand ang libong-libong manood sa kanyang kahanga-hangang water stunt sa river festival sa Shannon River, Limerick, Ireland.

Bukod sa water stunts ni Weston, ginanap rin ang great limerick run na nilahukan ng libo-libong runners kabilang na ang mga kababayan nating Pilipino dito sa Ireland.

Tunay na nabigyan ng buhay at kulay ni Gemma Weston sa kanyang mga makapigil na hiningang stunts ang makasaysayan at pinakamahabang ilog sa bansang Ireland, ang Shannon River.

(Cynthia Brul/ UNTV NEWS )

Tags: